• ANG REBELASYON - Viral at trending sa iba’t ibang social media platforms ang bagong vlog ng manager nina Madam Inutz at Herlene Budol kung saan nagpasabog nga ito ng ilan...
    2 years ago
  • Shopping - “Ang init naman..” sabi ko sa aking sarili. Naglalakad papunta sa bagong SM mall dito sa south nang Manila. Sa totoo lang nabored na ako sa mga ilang gaw...
    4 years ago

Tuesday, February 14, 2017

Valentines Day to remember

I'd like to believe that LOVE really exist.

I'd like to believe that TRUE love belongs to those who are honest to their feelings.

I'd like to believe that FOREVER awaits to those who intends to keep their promises of love.

I'd like to believe that love is ENOUGH to erase the pain burdened in the depth of thy heart.

One great thing about love is when you always forget the world whenever you remember that one person, for no reason, makes you smile. A sweet smile as fresh as the morning dew, lots of meaning, lots of thougths and emotion, lots of unexplainable feelings. Plain and natural.

Everything is wonderful when you fall in love. Every imperfection seems perfect when you stay in love. It brightens the darkest side of life and even those worse scenarios can be seen as the best seasons of your days. Captured within your moments of memories, reminincing reveries.

But sometimes...yes that sometimes...
Sometimes love can be the most dangerous thing in this world than you could imagine... And when I say dangerous, It means literally hazardous...

Naranasan mo na bang magmahal ng TOTOO?

Dahil kung oo siguradong naranasan mo na ring magpakamartyr.

At kung naranasan mo nang magpakamartyr siguradong naranasan mo nang magpakatanga.

At kung naranasan mo nang magpakatanga siguradong naranasan mo nang masaktan ng paulit-ulit.

At kung naranasan mo nang masaktan ng paulit-ulit siguradong mauunawaan mo ako, at ang kwento ko.

It's funny how love can make you stupid, and it's amusing how your stuipidity brings out the best in you. Yung tipong hindi mo alam kung bakit at pano mo nagawa ang isang bagay na hindi mo inaakalang makakapagpasaya sa iyo.

Ang sarap lang kapag nagliligawan. Lahat ng matatamis na bagay nandyan, kulang na lang sambahin nyo ang isa't isa. Hatid sundo ka nya sa school, binibigyan ka ng flowers and chocoates kada valentines, dinadala ka nya sa mamahaling resto, kinakain yung favorite food nyo.

Those moments whenever you are with the one you love, the one that makes your heart beat faster, the one that makes you insane dealing with mix emotions. Tapos kapag naging kayo na, kulang na lang sumayaw ka sa sobrang kilig, kase sa wakas boyfriend mo na yung lalaking survivor sa lahat ng pagpapahirap mo nung nanliligaw pa sya.

Ganyan kami ni Daniel noon. Naalala ko pa noong nanliligaw sya sa akin. Super cute nya, lagi syang nag-stand out sa paningin ko. Buo na ang araw ko kapag nakita ko na sya. Kada lunchbreak sabay kami kumakain sa canteen, lagi kami naggu-group study sa library. Actually sya nga yung dahilan kung bakit tumino ako sa pag-aaral ko eh.

Yung mga friends namin lagi kaming tinutukso sa isa't isa. Lalo na kung may special events o happenings sa school, tanong agad nila kung saan yung date namin. Lagi kaming magkasama, sa loob man o labas ng school. Lagi nya akong hinahatid sa terminal ng jeep.

I was so very happy as if I own the world. I was the apple of his eyes, the spotlight was mine, lahat ng atensyon nya nasa akin. Hindi sya nagkulang sa oras, alam nyang balansehin ang oras nya for me at sa pag-aaral.

Ang dami nyang niregalo sa akin, kahit minsan pumapalya akong magbigay in return. Lagi syang nag-a-iloveyou sa akin. Personal man yan, sa text o sa calls o kahit sa social medias. Ako lang din ang laman ng wall nya sa facebook. My photos, captioned with his sweet love for me.

But life will not give you everything you want. The twists always comes later, tears follows. Because in every happiness, sadness always prelude after.

Anyare?

February 14 nanaman ngayong...

Kung gaano sya katamis noon, ganoon naman sya katabang ngayong mag-asawa na kami.

Noon gusto nya lagi nya akong kasama pero ngayon bakit parang ayaw na nya akong makita?

Noon gusto nya lagi kaming magka-holding hands pero ngayon hindi man lang nya napapansin new nail polish ko.

Noon lagi nya akong dinadala sa masasarap na resto pero ngayon hindi ko na maalala yung lasa nung mga kinain ko.

Noon lagi syang nag-a-iloveyou sa akin pero ngayon nganga kahit hi-ho wala!

Noon supersweet sya sa akin, lagi nya akong nilalambing pero ngayon lagi lang syang nakocornyhan sa akin.

Saan na napunta yung romantiko kong boyfriend noon?
Saan na nilipad yung hugs and kisses namin?
Saan na napadpad yung romansahan naming halos magiba na yung kama namin?
Miss na miss ko na yung dating lalaking minahal ko noon...

"I just want 24 sons and 48 daughters! Will you marry me?"

Walang paglagyan ang galak ko noong magpropose sya sa akin. That was the most memorable time in my life. Lalo na yung kasal naming worth half million pesos pa. Para saan ba yung sparkling elegant wedding gown ko noon kung kupas na ito ngayon? Para saan pa yung almost eight years naming majowa noon kung sa ikatlong taon pa lang ng kasal namin ganito na agad ang nangyayari?

Actually okay naman kami noong bagong kasal pa kami. Nandoon pa yung tenderness and blissfulness. Him as a branch manager and I as a full time housewife in our home presented to us by our parents.

Ang ganda nung family planning namin. Ang problema hindi pa kami nabibiyayaan ng anak, pero sabi ni Daniel sa akin, maghintay lang daw kami dahil darating din yon.

Okay na okay kami. Masayang-masaya. Ginagampanan ko ng maayos ang pagiging maybahay ko. Todo asikaso ako sa kanya. Ni minsan hindi ko sya pinahawak ng sandok, sabon panlaba at grocery list. Nagpapasalamat naman ako dahil sa kabila non hindi nya ako inalila at asawa talaga ang turin nya sa akin.

Pero tangna!

Sa paglipas ng panahon napapansin ko na lang na parang unti-unti na syang nagbabago. Halos hindi ko na makita ang ngiti sa kanyang labi, laging nakasimangot at palainit ng ulo.

From twice a day to once a day, to trice a week, to once a month sex! Tangna! baka mapanis hima ko!

Inunawa ko na lang sya. Lagi nyang dahilan pagod lang daw sya sa trabaho. Eh bakit ako pagod din naman ako sa bahay ah? Akala ba nya ganun lang kadali ang maglinis ng bahay, magising sa madaling araw para ipagluto sya ng breakfast at iprepare lunchbox nya, ang maglinis ng bahay, maglaba ng maong, damit, malaking bedsheet, curtains, at kung ano ano pang mabigat na tela, at ang mamroblema sa budget? Stressful!

Ang dami nyang excuses. Gusto kong maniwala na talagang pagod lang sya sa trabaho, at hindi ko na rin gaanong pinansin yon, sex lang naman yon, inisip ko na lang na there's more to life than sex, there's more to us than fleshly needs.

One night came... The night from where it all began.
Ginabi sya ng uwi. Ala-una na ata ng madaling araw pero nasa sala pa rin ako, naghihintay...parang tangang naghihintay. Tanga kase hindi man lang sya tumawag o nagtext. And I want to believe my thought na nagovertime lang sya, pero may branch manager ba na nagoovertime hanggang madaling araw?

Untill he finally arrived. Pinagbuksan ko sya ng pinto. Nalanghap ko agad na amoy chico sya. Nasaktan ako nang makita ko syang lasing at pagewang-gewang maglakad. Nasaktan ako kase sa tatlong taon naming pagsasama ngayon lang sya umuwi ng lasing, tapos madaling araw pa.

Pero sa kabila ng pangingirot ng puso ko inasikaso ko pa rin sya. Nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. Ang pag-ibig ko na natututong umunawa bago gumawa ng aksyon.

"O, dahan dahan lang..." inalalayan ko sya pahiga sa sofa.

"Saan ka ba galing at lasing na lasing ka ha?" Nanatili akong kalmado.

"Wala. Nagkayayaan lang ang barkada sa labas."

Gusto ko pa sana syang tanungin kung bakit hindi sya nagtext o tumawag sa akin, at kung bakit nagpuyat sya ng ganto kahit alam nyang may pasok pa sya bukas, pero minabuti ko nang pagpahingain sya.

Pikit na pikit na sya na para bang gusto ng matulog kaya kinuhanan ko na lang sya ng unan at kumot, hinayaan ko na lang sa sofa sya matulog dahil hindi ko naman sya kayang buhatin paakyat sa kwarto.

When you love someone, you'll have to learn how to forgive and just forget. Forgiving is a form of accepting, and accepting is forgetting yourself at all, taking all the risk of suffering.

A bit of self-control for my own anger. Pinalampas ko na lang yon. Mas pinili kong unawain sya dahil matagal na nga naman silang hindi nagkakasama buhat noong makasal kami ni Daniel. Siguro hindi lang talaga sya makahindi sa mga barkada nya.

Kinabukasan bitbit ko pa rin sa puso ko ang sakit at mga tanong habang nagaalmusal kami. Ang totoo hinihintay ko syang mag-explain. Siguro naman makatuwiran lang na pagusapan namin ito at linawin nya sa akin ang mga bagay bagay na ginawa nya kagabi.

Kaso tahimik lang sya na para bang kailangan pa naming magpakiramdaman. Hindi ba nya alam na dapat sya itong maunang magsalita dahil sya itong may kasalanan sa akin?

Hanggang matapos na kaming kumain bigo pa rin akong marinig ang eksplanasyon nya. Hindi man lang nya ako pinansin, hindi man lang nya ako tiningnan, at ang mas masakit, umalis sya sa bahay na hindi man lang nagpapaalam sa akin, na dati rati humahalik pa sya sa aking labi bago pumasok sa office.

Naiwan akong tulala sa apat na sulok ng bahay. Sa loob loob ko nagaalboroto ako, inis na inis. Inis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang magalit sa asawa ko. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong awayin nya ako kapag pinainit ko ang ulo nya.

Ang bigat!

Parang may pasan akong kung anong mabigat na bagay sa puso ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos, nakakaparanoid.
Napapraning na ata ako sa kakaisip. Yung may kung ano sa puso mo na gusto mong kabugin bugbugin sa kamao mo dahil gusto mong maglaho pero hindi mawala-wala.

Naalala ko noong boyfriend ko pa lang sya. Halos hindi nya malaman kung paano ako susuyuin sa twing may kasalanan ako sa kanya.Nilalambing nya ako sa twing nagtatampo ako sa kanya. Natataranta pa talaga sya at hindi titigil hanggat hindi nya ako napapangiti.

Kay sarap balikan ng lumipas pero ngayon... Ngayon parang binabalewala nya na lang ako. Pano nya nakakayang lumipas ang buong gabi, o buong araw na alam nyang hindi kami okay?

Parang hindi ako makahinga sa loob ng bahay. Nagbihis ako at pumunta sa bahay nina Mama two blocks away. I need to see new things, I need air to breathe.

Pagdating ko napansin agad ni Mama na malungkot ako, "O, napadalaw ka? May problema ba kayo ni Daniel?" tanong agad nya.

Natigilan ako at napaisip. Sa loob loob ko gusto kong magsabi kay Mama, gusto kong ilabas ang problema ko sa kanya pero dahil mahal na mahal ko si Daniel mas pinili ko na lang manahimik. Dahil ayokong magkalamat ang magandang pagtingin nina Mama sa asawa ko.

"Wala po." pinilit kong ngumiti, "Naiinip lang po ako sa bahay kaya naisipan kong pumasyal dito." sabi ko na lang.

Ano nga bang problema?
Ano ba itong bigla kong nararamdaman na nagpapabigat sa aking puso?
May bumabagabag sa akin, hindi ako mapanatag.

Wala akong ginawa maghapon kundi isipin ang asawa ko. Kung may problema sya bakit hindi nya sabihin sa akin? Kung may problema kami bakit hindi nya ako kausapin?

Pag-uwi ko ng bahay dumiretso ako sa kusina. Heto na naman, nasa apat na sulok na naman ako ng aming bahay. Nakakabingi na naman ang katahimikan.

Heto, haharapin ko na naman ang rice cooker, magluluto na naman ng hapunan. Sa tinagal-tagal ko ng ginagawa ito bakit parang ngayon feeling ko nagsasawa na ako!

Bakit ko ngayon naiisip na paulit-ulit lang ang buhay ko?
Bakit bigla kong napuna na paulit-ulit na lang ang ginagawa ko araw araw?
Minsan darating talaga ang puntong mararamdaman mo na lang na nagsasawa ka na. Apparently sick, tired and hopeless.

Hindi ko inasahan na kahit asawa mo na sya, feeling mo hopeless romantic ka parin. Noon naghahanap ko ng romance, ngayon naman naghihintay ako...Naghihintay na bumalik yung romance.

I think I'm done...
I'm done preparing the dinner. All set. Yung favorite nyang adobo hinanda ko. Alam ko anyttime darating na sya. Tapos sasalubungin ko sya ng isang matamis na halik, huhubarin ko yung coat nya, kakalasin yung necktie, iaa-unbutton yung polosleeves nya. Magtatawanan kami, maglalambingan.

After nya magbihis magkukulitan pa kami. Magkukwentuhan about how our day went on, over dinner. Tapos manonood sya ng T.V. while waiting for me to finish doing the kitchen chores. Maglalambingan ulit at syempre alam na!

Kaso mukhang malabo mangyari yon tonight...
Nangawit na ako sa pagkakaupo ko sa dining wala pa rin sya. Lumamig na yung ulam na parang ako lang, nanlalamig... Parang Mister ko, nanlalamig...

Naalala ko noon sinabi nya sa akin na ako daw yung adobo sa buhay nya na all time favorite nya. Isa lang hiling ko, sana hindi pa sya nagsasawa sa adobo, at kung sakaling sawa na sya, sana hindi sya naghahanap ng ibang putaheng matitikman.

Hindi ko namalayan napadukmo na pala ako sa table at nakatulog. Nagising lang ako nung gisingin ako ni Daniel. At nung makita ko sya napatayo ako bigla at kusa ko na lang niyakap ng mahigpit ang asawa ko.

An embrace that express how much I'm missing my lovely spouse. I miss that someone within my husband who loved me so dearly flawless. Please come back to me!

"Hon, I'm sorry..." bulong nya sa akin.

That means a lot and explain everything!
Mahal na mahal ko sya, and I know at this point, all of my questions were answered. This is how I love him. Mababaw lang naman ang kaligayhan ko, singbabaw ng luha ko.

"Niyaya kase ako nung mga kaibigan ko--"

"Shh... Okay lang. Ang gusto ko lang magkabati tayo... At sana h'wag mo na akong pinagaalala."

Time may pass, people may changed. Change neither for good nor bad, but it does'nt matter because love can always change your mind to follow your heart. It may not always be the best choice but for sure it will always makes you happy.

That night we slept in each other's arms, after a savour of wild and tasty-lovely sex. Every kisses, every touch and caress, every pieces of him makes me love him more and more and even more.

Masarap ang gising ko kinabukasan.
Masarap talaga ang feeling sa umaga kapag may masarap na naganap kagabi. Parang dama mo pa rin yung pleasure.

So maaga akong bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Masayang-masaya talaga ako, at sa tinagal-tagal ko syang pinagluluto ng almusal, ngayon ko lang narealized na gustong-gusto ko pala itong ginagawa ko, and I really love doing this for my husband.

Iniisip ko after what happened, siguro dumarating lang talaga sa mag-asawa yung simple at mliliit na tampuhan. At sa tulad kong wagas magmahal, my loving does'nt need a reason to forgive and just forget what was already done.

Pagalis sa bahay ni Daniel dumiretso ako sa laundry area. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi matanggal ang ngiti sa mukha ako habang sinesegregate ko yung puti sa de color, nababaliw na ata.

Hanggang sa madampot ko yung long sleeve polo ng mister ko. Natigilan ako at nawala yung ngiti sa mga labi ko nang may makita akong pulang lipstick na kissmarks sa kwelyo hanggang manggas ng damit ng asawa ko.

Hindi ko alam na naglipstick pala ako kagabi, hindi ko maalala na suot ito ng asawa ko nung magsex kami...

Gad damn it!!!

Biglang kumirot ang puso ko kasabay ng panginginig ng katawan ko. Huminga ako ng malalim para pakawalan ang kabang nararamdaman ko. Ayokong isiping nambababae ang asawa ko pero hindi ko maawat ang utak ko sa kakadikta sa akin na lipstick ito mula sa labi ng ibang babae.

Sa sobrang sama ng loob ko halos mapunit na ang damit sa sobrang higpit ng pagkakasakmal ko. At kung pano ko ito nilalamutak, ganoon din ang nararamdaman kong pagpiga ng asawa ko sa puso ko.

Ito na ata ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Tanong ko, nasaan ang pag-ibig ko? Bakit iniiwan ako sa twing nasasaktan ako? Kaya ba nitong patahanin ang luha ko ngayon?

Nasaktan ako, totoo yon, pero hindi muna ako nagbigay ng conclusion. Gusto ko muna syang tanungin, gusto ko munang malaman ang panig nya.

Gusto ko syang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag at magkaroon ng pagkakataong makalusot.

Pagdating nya sa bahay kinausap ko agad sya tungkol dito. Sinadya kong hindi labhan yung polo nya para ipakita ito sa kanya.

"Hon, ano 'to? Bakit may lipstick sa polo mo?"

Mahinahon yung pagtatanong ko pero bigla nya na lang akong sinigawan, "Hon, pwede ba 'wag ngayon? Pagod ako eh!"

Nabuhay na naman sa puso ko ang takot na baka mag-away na naman kami, magdeadmahan at magkabangayan. Ang takot ko na baka maging dahilan pa ng hiwalayan.

"Wala lang yan! Nag-trip-to-jerusalem game lang kami ng mga barakada ko." ang tanging paliwanag nya na agad kong tinanggap.

Oo! Tangna! Agad kong tinanggap ang walang kwenta nyang alibi. Nanahimik na lang ako at mas piniling magbulag-bulagan kahit malinaw kong nakikita na niloloko na ako ng asawa ko.

I'm afraid to lose him. I was frightened by the notion that one day he might left me home and will never come back.

I'm freaking inside. Yung feeling na parang nacondemn ka sa isang misteryong kulungan na tanging katotohanan lang ang susi palabas. Gusto kong tumakas at ang tanging paraan ay ang tingnan ang cellphone nya. Nagbabakasakali na makahagilap kahit masakit na kasagutan.

Kaso nung tingnan ko phone nya hindi ko naman mabuksan dahil may putanginang password! All of a sudden nagpa-password na sya? Hindi ko alam?!

I took a deep breath, deepest to release the tension, stress and pressure. Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin ito ngayon.

Dumaan yung mga gabing hindi ako makatulog. Parang masisiraan na ako ng ulo sa kakasolo sa problema ko. So I decided to share it to someone I know I can undoubtly trust. Kay Kuya na nasa abroad.

Binuksan ko skype sa laptop,
"O Dulce, kumusta na, kumusta kayo ni Bayaw? Sina Mama kumusta na?"

"Okay naman Kuya. Ikaw kumusta dyan, yung dalawa kong pamankin at si Ate?"

"Okay lang din kami dito. So magsabi ka na..."

"Huh?"

"Sus! Kilala na kita Dulce, hindi ka tatawag kung wala kang problema."

"Itatanong ko lang sana kung paano ba malalaman kung nambababae ang asawa?"

"Huh?! Bakit? Nambababae ba si Daniel?"

"Kuya naman. Hindi noh! Kaya ko nga tinatanong sayo para alam ko eh noh!"

"Bakit sa akin mo tinatanong eh alam mo namang loyal ako sa ate mo? Hehe Alam mo Dulce, instinct lang yan, tignan mo kung may lipstick yung polo nya, tapos tingnan mo kung napapadalas yung paguwi nya ng madaling araw, tapos lasing pa, at yung cellphone nya check mo rin kung may password. Nakow pag ganon, Hundred percent may babae nga sya!"

Parang kumulo bigla dugo sa mga pinagsasasabi nya sa akin, "Ewan ko sayo Kuya! Wala kang kwentang kausap! Hmp!" sa inis ko binaba ko na laptop ko, binagsakan ko sya ng screen.

Nagkapatong-patong na yung sakit na nararamdaman ko. Napapadalas na ang pag-uwi ni Daniel ng madaling araw, tapos lasing pa sya. Ang lagi nyang dinadahilan sa twing tatanungin ko sya ay ang mga kabarkada na naman nya.

Parang bumalik sa pagkabinata ang lifestyle nya. Parang wala na syang pakialam sa akin. Paggising sa umaga pinagsisilbihan ko sya, sa gabi bago matulog inaasikaso ko pa rin sya. Lahat ginagawa ko, lahat binibigay ko, lahat iniintindi ko pero bakit parang walang kwenta lang ako sa kanya?

Sa twing nilalandi ko sya, tinataboy nya ako na para bang diring-diri sya sa akin. Nag-iba na ang asawa ko, nagsawa na sya sa adobo ko! Fuck!

Pero mas pinili ko pa ring magtiis sa kabila ng pinaggagagawa nya. Nagtitiis ako araw araw na lang sa buhay ko, kahit labis akong nasasaktan okay lang. Mahal na mahal ko sya at sana dumating ang araw na makita din nya o mapansin ang lahat ng sakripisyo ko.

Nakaisip ako ng paraan para magpasuyo sa Mister ko. Isang umaga pagalis nya sa bahay papasok sa office umalis din ako. Pumunta ako kina Mama, at habang bumabyahe ako tinext ko si Daniel.

*"Hon, dito muna ako kina Mama matutulog. Sa sunday na ako babalik."* pero ang totoo wala naman akong balak tumagal ng isang linggo doon, sinabi ko lang yon para magworried sya at baka sakaling marealized nya na hindi ako okay, baka sakaling maisip nya akong sunduin mamayang gabi.

Akala ko magtatanong sya kung bakit. Akala ko tatawagan nya ako at sasabihing umuwi na ako, pero maiksing reply lang itinugon nya sa akin na nakadagdag na naman sa kinikirot ng puso ko.

*"Ok. Ikaw bahala."*

Manhid ba talaga sya? Bakit napaka-insensitve nya?
Wala na ba syang pakialam sa nararamdaman ko?
Wala na ba talaga syang pakialam sa akin?

His naval-gazing flaw makes me wonder if he still care for me.

Nadatnan ko si Mama na mainit ang ulo. Pano ba naman yung trustworthy kong Kuya nagsabi pala sa kanya.

"Ano ba talagang nangyari? May babae ba talaga sya?"

"Ma, to be honest, hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko na meron."

"So kutob pa lang?"

Ayoko talagang banggitin kay Mam yung mga bagay na ginagawa ni Daniel na nagpapalakas sa kutob ko. Gusto kong protektahan yung magandang character ng asawa ko sakanila.

"Dahil ba feeling mo nanlalamig sya sa 'yo?" patuloy ni Mama, "Alam mo anak, sa tinagal-tagal namin ng Papa mo, maraming beses ko na syang pinagdudahan na parang nambababae sya, pero lahat ng iyon tingin ko nagkamali lang ako. Kung nanlalamig sayo ang asawa mo, siguro may mga bagay ding nagpapalamig sa kanya..."

May punto si Mama pero sa tingin ko magkaiba kami ng sitwasyon. We have our own definition of love. Sabagay tama naman sya. Siguro yung mga bagay na hinahanap natin sa ating asawa baka hinahanap din nila ito sa atin. Baka yung mga qualities na hindi natin nakikita sa kanila hindi rin nila nakikita sa atin.

Maybe we've given our best, but what if our best is not enough, or what if our best is too much?

OA na ata ako... Pero ganun naman ang love diba? OA...

Sabi ni Mama dalhan ko daw ng lunch si Daniel sa office nya. Baka sakaling bumalik daw yung dati naming tinginan kapag dinaan ko sa pagkain. Kung tingin ko daw nanlalamig sya, dapat huwag din daw akong manlamig. Kumbaga kung may negative, dapat magstay positive yung isa para hindi mag-repel sa isa't isa.

Very supportive yung parents ko. Si Mama pa talaga yung nagluto, tapos si Papa hinatid naman akong nakakotse sa trabaho ng asawa ko. Pero pagdating namin doon wala naman yung asawa ko. Sabi nung staff sa office nila nasa official business daw. Lumabas para magmarket.

Sayang naman... Iniwan ko na lang dala ko at sinabi ko doon sa staff na ibigay kay Daniel pagdating nya. Sana lang hindi sya kumain sa labas.

Nagpahatid na lang ako kay Papa sa bahay. Gusto ko paguwi ko sa bahay datnan ako ng Mister ko. Hindi ko rin naman kayang matulog na wala sya sa tabi ko.

Pagdating ko sa bahay pinapasok ko muna si Papa para uminom man lang ng refreshment. Pagpasok namin sa loob nakarinig kami ng ingay na nagmumula sa kwarto namin ng asawa ko.

Bigla akong kinabahan sa pagaakalang pinasok na kami ng magnanakaw. Sinamahan ako ni Papa paakyat sa kwarto. Pagbukas namin sa pinto ng kwarto, laking gulat ko na lang nang makita ko ang asawa ko.

Bumilis at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita koo Mister ko na hubo't hubad na nakapatong sa isang hubad din na katawan ng babaeng hindi ko nakikilala.

"Aaahhhh Ahhhhh"

Hindi pa nila kami agad napansin dahil pareho silang nakapikit at nasa impluwensya ng kalibugan. Pwersado, senswal at darang na darang silang nagtatalik.

Kinilabutan ako nang maalala ko na kasama ko pala si Papa. Maging sya nagulat sa hindi nya inaasahang masasaksihan.

"Putangina!!!" nagulat na lang ako sa malakas na sigaw ni Papa.

Malakas ang sigaw nya na punong-puno ng galit at sama ng loob. Sa sobrang lakas napatayo nya bigla si Daniel at napabangon naman yung babaeng kinakatalik nya. Nataranta silang pareho at hindi malaman kung saan dadampot ng bagay na ipangtatakip nila sa makasalanan nilang katawan.

Tumakbo palabas ng kwarto yung babae, parang estatwa kami ni Papa nang daanan nya. Ang magaling kong asawa naman nanatiling nakatayo sa gilid ng kama at mukhang hindi alam ang gagawin.

Official business pala ha! Hayup!!!

Magsasalita na sana ako pero pinangunahan ako ng galit ng kamao ni Papa. Walang salitang lumabas sa kanya kundi isang malakas na suntok sa mukha ni Daniel.

Natulala ako sa nangyari pero buti na lang gising pa ulirat ko.

Sa ikalawang suntok ni Papa doon na ako kumilos dahil napatumba na nya ang asawa ko. Napahiga sya sa sahig sa sobrang lakas ng suntok ng galit ni Papa.

Kinabig ko si Papa dahil mukhang hindi pa sya tapos, "Pa, tama na po! Huminahon lang po kayo."

"Anak, papatayin ko yan!"

"Pa!" niyakap ko na sya para awatin, "Maghunos-dili ka Pa, huwag mong saktan ang asawa ko, dahil nasasaktan din ako."

Sa sinabi ko natigilan si Papa, biglang kumalma at hinarap ako, "Ano? Nakita mo na nga ang lahat, harap-harapan ka na nga nyang pinendeho tapos ganyan ka pa magsalita sa kanya?"

"Pero Pa, mahal ko sya..."

Hinawakan nya magkabila kong balikat at mukhang nadivert sa akin ang galit nya kay Daniel, "Anak gumising ka nga!" inalog-alog nya katawan ko, "Labas ang pag-ibig sa bagay na ito! Dignidad at pagkatao mo na ang pinag-uusapan dito!"

"But...but he is my life and dignity..."

Ako mismo hindi alam kung bakit ganito pa rin ako sa asawa ko sa kabila ng ginawa nya sa akin. Dapat sana nagagalit ako ngayon sa kanya, pero bakit nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko? Ako ata ang manhid, bulag sa katotohanan.

"Anak, hindi sapat ang mahal mo lang sya! Dapat mahal ka rrin nya. At pano naman ang pagmamahal ko sayo? Hindi mo ba nakikita na nasasaktan din ako para sayo?"

"Pa. Naiintindihan kita, pero sa ngayon hayaan mo munang ako ang lumutas nito, dahil problema naming magasawa ito."

Nanatiling matigas ang puso ko para kay Papa, at malambot naman para sa asawa ko. Linapitan ko si Daniel at tinulungang makabangon, "Okay ka lang? Nasaktan ka ba?"

Sa nakita ni Papa sa akin, padabog syang umalis, dala-dala ang sama ng loob. Hinayaan ko na lang sya, saka ko na sya kakausapin. Inasikaso ko muna ang asawa ko.

"Dulce, bakit?" tanong sa akin ni Daniel nang maupo na kami sa kama matapos nyang magbihis.

"A-anong bakit?"

"Bakit hindi mo magawang magalit sa akin? Pano mo nagagawang magpakababaw ng ganito sa akin?"

Tumulo na yung luhang kanina pa gustong bumagsak mula sa mga mata ko, "Eh mahal kita eh... Ganun lang yun kasimple... Mas mahalaga ka sa akin kesa sa ego ko... Pero sa kabila ng pagmamahal ko sa 'yo, sa lahat ng hirap at sakripisyo ko, sa lahat ng ginawa at binigay ko para sa'yo, bakit nagawa mo pa rin sa akin 'to?"

Napaiyak din sya, "Minsan gusto ko nang maniwalang tanga ka...."

Nagulat ako sa sinabi nya. Siguro nga tanga ako, pero bakit nya pinapamukha sa akin yon samantalang nagpapakatanga ako para sa kanya. Kahit masakit, kahit paulit-ulit na lang yung sakit, bakit hindi man lang nya naaappreciate kahit itong mabigat na pagpapakatanga ko para sa kanya? Para lang sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita Dulce? I want to get out of your life... Bakit hindi mo pa ako pakawalan?"

Nabuhay na naman yung takot sa puso ko na baka iwan na nya ako. Ayokong mangyari yon, ayokong magkahiwalay kami.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Kung inaalala mo ito, don't worry, okay lang sa akin, kaya kong palampasin to."

"Ano ba?" napasigaw sya, "Minsan gusto ko nang maniwala na mas tanga ako sayo, at ikaw, pwede ba huwag ka ng magpakagago sa akin? Sa simula pa lang, alam mo namang hindi na kita mahal."

"Huwag mo namang sabihin sa akin yan please! Mahal na mahal kita Daniel, please don't leave me..."

"No Dulce, please let me go!!! Maawa ka sa akin, pakawalan mo na ako!!! Dahil hanggang ngayon hindi ko parin magawang mahalin ka, at...Mahal ko pa rin si Kathryn..."

"Pero bakit? Noon pa man alam mo na, na hindi ka mahal ni Kathryn, pero bakit hanggang ngayon sya parin?"

"Dulce, noon pa man alam mo na, na hindi kita mahal pero bakit hanggang ngayon ako pa rin?"

Naalala ko bigla ang lahat ng nangyari sa amin noon. Lalo na si Kathryn na dati kong bestfriend.

Ang sarap lang kapag nagliligawan. Lahat ng matatamis na bagay nandyan, kulang na lang sambahin nila ang isa't isa. Hatid sundo nya sya sa school, binibigyan sya ng flowers and chocoates kada valentines, dinadala nya sa mamahaling resto, kinakain yung favorite food nila.

Inggit na inggit talaga ako kay Kathryn noon sa manliligaw nyang si Daniel. Gwapo, mayaman, matalino, lahat na ata ng magagandang katangian nasa kanya nya. Kaso malas lang nya dahil hindi sya gusto ni Kathryn.

At dahil ako ang bestfriend nya, ako lahat ang sumasalo sa lahat ng regalong binibigay sa kanya ni Daniel. Ewan ko ba sa kanya kung bakit napakachoosy nya, at ewan ko ba dun kay Daniel kung ano nagustuhan nya kay Kathryn samantalang hindi naman yummy.

Sa twing yayayain sya ni Daniel kumain sa labas, ako ang laging pinapapunta ni Kathryn. Labas tuloy parang kami ni Daniel ang laging nagdi-date. Na syang gustong-gusto k naman dahil sa umpisa pa lang mahal na mahal ko na sya. Sya kaya yung ultimate crush ko.

One day nagulat na lang ako biglang naging sweet sa akin si Daniel, para bang lahat ng pangarap ko natupad sa isang kisapmata lang nung sabihin nya sa akin na gusto daw nya akong ligawan. Yun pala pinagseselos lang nya si Kathryn dahil binusted daw sya nito.

Okay lang sa akin. Nagpligaw pa rin ako at sinagot ko pa rin sya kahit ginamit lang nya akong panakipbutas. Mahal ko sya eh at umasa ako na balang araw matututunan din nya akong mahalin sa loob ng aming relasyon.

Tumagal yung relationship namin. Gumraduate, nakapagtabaho na kahit papaano masaya naman ako. Kahit alam kong hindi pa rin matanggal sa puso't isipan nya si Kathryn. Kahit pangalan pa rin nya ang idinadaing sa twing masi-sex kami.

May mga oras din na tinangkang makipagkalas sa akin ni Daniel, pero tinatakot ko sya na magpapaklamatay ako kapag iniwan nya ako, dahil na rin may nangyari na nga sa amin.

Hanggang dumating ang pinakamaligayang araw sa buhay ko, noong lumuhod sya sa tapat ko, sa harapan ng maraming tao.

"I just want 24 sons and 48 daughters... Will you marry me?"

Totoong nagpropose sya sa akin, at ang tanging nasa isip ko noon ay mahal na mahal talaga ako ni Daniel, only to find out na pinakasalan lang pala nya ako dahil sa galit nya nung mabalitaang nagpakasal na si Kathryn sa ibang lalake.

Love conquers all, and I can do, I will do anything for love and for my lover. I'll take everything just to make him love me and although everything was fake, my love for him is still the only truth I know. And my intention will hold on to that chance.

"Nakita ko si Kathryn last week..." patuloy ng asawa ko sa usapan, "Kadarating lang daw nya from abroad, At isa sya sa mga nakakasama ko sa twing hahang-out kami ng barakada."

Matinding kirot sa puso ang impact sa akin ng narinig ko. Nakakapanikip damdamin.

"Sabi nya sa akin kaka-divorce lang daw nila nung asawa nya... Aaminin ko sayo na muling bumalik ang nararamdaman ko kay Kathryn, parang nabuhay uli yung chance na pwede ko syang makasama."

All this years I have been unfair to him. I've stolen his own happiness. Binuhay ko sya sa mundong gusto ko, inilagay ko sya sa loob ng pantasya ko. Alam kong matagal na nyang gustong kumalas, at ngayon mukhang mayroon na syang sapat na dahilan para magpursigng gawin ito.

"Kaya ko nagawang mambabae. Kase noong makita ko si Kathryn nag-isip agad ako ng paraan para hiwalayan mo ako, pero putcha, nahuli mo na nga ako sa akto, pero heto, buong puso mo pa rin akong tinatanggap..."

"Are you now saying goodbye?"

Tumango lang sya...

"Daniel, before you go, can I beg you one last wish?"

Tumayo ako at naghubad sa kanyang harapan. Gusto ko sana kahit sa huling pagkakataon maramdaman ko ang pisikal nyang pagmamahal.

I have decided to set him free. It hurts, It really hurts...Valentines Day ngayon, Valentines Day to remember!

Hinalikan ko ang mga labi nya. Tinodo ko na dahil alam kong ito na ang huli. Gigil na gigil, puno ng pagmamahal.

At least once in my life I've had given a chance to love him...

Bawat haplos tumatatak sa puso ko, bawat haplos nagsasabing paalam.

Don't waste your time fooling someone you really don't love, learn to stand brave and set them free.
Don't waste your time fooling yourself with someone who does'nt really love you, learn to accept and set them free.

After we had our last love making, nagpaalam na sa akin si Daniel. Hinatid ko pa sya hanggang sa may pintuan. Masakit sa akin ang makita syang umalis, iiwan na ako at tuluyan na syang hindi babalik. Pero sa isang banda ng puso ko masaya ako para sa kanya. Sabi ko pa nga ako pa ang aasikaso na annulment papers namin.

Masaya dahil sa wakas nakalaya na sya sa akin.
Masakit dahil masaya sya nung pinakawalan ko na sya.

Paalis na sana sya pero bigla namang bumalik nang mapansin nyang natumba ako sa kinatatayuan ko. Parang nahilo ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Feeling ko parang bumabaliktad ang sikmura ko na parang naduduwal at nasusuka.

"O, okay ka lang?"

"Nanlalambot ako..."

Ginawa nya binuhat nya ako, sinakay sa kotse at dinala sa Ospital. Hindi nya ako iniwan. Binantayan nya ako hanggat walang dumarating na doktor. Sabi ko sa kanya iwan na nya ako at baka hinihintay na sya ni Kathryn sa kung saan. Isa pa natext na rin naman na nya sila Mama.

"Okay lang ako. Sige na umalis ka na. Parating na rin sina Mama eh."

Akala ko hindi talaga nya ako iiwan, pero sa sinabi ko umalis na sya kaagad. Syempre, nasaktan na naman ako. Sabi ko sa sarili ko na ito na yung huling beses na masasaktan nya ako. Handa na akong magmove on.

Pagdating nina Mama ay sya ring pagdating nung doktor. Nagulat na lang ako nang malaman ko ang resulta sa check up ko.

"Congratulations... Buntis po kayo, two months."

"Huh?"

"Yes magkakaapo na rin kami!"

Masayang-masaya si Mama, habang si Papa at ako nagkatinginan.
Hindi nila alam na lalaking walang ama ang apo nila.

Life might give you so much reasons to give up and let go of the things that makes you hardened, but as long as you have love in your heart, you always have that one reason to hold on... HOLD ON...

Because in the end you'll realized that...LOVE really exist.
TRUE love belongs to those who are honest to their feelings.
FOREVER awaits to those who intends to keep their promises of love.
And love is ENOUGH to erase the pain burdened in the depth of thy heart.

Kinagabihan nagprepare pa rin ako ng dinner for two. Umaasa na uuwi pa rin sa akin ang asawa ko. Hihintayin ko sya...no matter what it takes uupo lang ako sa dining at hihintayin ko sya. Hihinitayin namin sya ng anak ko...

"Hon, I'm finally home..."

7 comments:

Jessalou said...

?

Jessalou said...

?
wala akong valentino

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Nc story.. Parehas sila tanga.. Pero mas tanga yung boy. Fvckshit sya

Unknown said...

Nkakaiyak.
Anong meaning ng last?
Bmlik ba tlga sya?

Unknown said...

Game akoo jessalou call me 09772618027

Unknown said...

nkk libog

Read Also

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails